Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
V.Stiviano, inimbento ang 'hate crime' laban sa kanya, para sumikat!


Abugado ng suspect sa attack laban kay V.Stiviano, sinabing inimbento lang ni Stiviano ang racist attack para mas lalo siyang sumikat.

Ayon sa abugado ng alleged attacker ni V.Stiviano, ang dating girlfriend ng dating may-ari ng LA Clippers na si Donald Sterling ay inimbento lang daw ang racist attack laban sa kanya, para manatili siyang sikat.

Hindi kinausap ni Dominick Diorio ang media matapos siyang magpakita sa korte, pero ayon sa kanyang abugado na si David Scott Smith, naniniwala silang peke ang mga alegasyon ni Stiviano.

Sine-celebrate ni Diorio ang kanyang 40th birthday, kasama ang kanyang mga kaibigan, sa Revel restaurant noong isang linggo, nang nangyari ang alleged incident.

Ipinapakita ng security camera na sinunsan niya si Stiviano at ang kaibigan nito, palabas ng restaurant.

Nagkaroon ng komprontasyon. Sumingit ang mga saksi, na binugbog si Diorio. Natagpuan ng pulis sa kalsada si Diorio, lasing at nagdurugo. Sinabi niya diumano sa pulis, na binato siya ng telepono ng isang babae, umiwas siya, nadulas at nagkatama sa ulo.

Dine-deny ni Diorio ang bawat alegasyon na ginawa ni Stiviano laban sa kanya, at sinabing inimbento ni Stiviano ang attack, para mapag-usapan siya ng media.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments

Recommended