Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Residente sa Georgia, binaril ang mga intruder na nagkunwaring pulis!

Isang babae sa East Point ang prinotektahan ang kanyang Laurel Ridge apartment sa mga magnanakaw, Huwebes ng umaga.

Ayon sa mga report, tatlong tao ang lumapit sa tirahan ng biktima, makalipas ang hatinggabi.

Sinabi nilang sila raw ay miyembro ng East Point Police Department.

Sumilip ang residente mula sa pintuan, at nagtangkang pumasok ang tatlong lalake.

Ayon sa pulis, isa sa mga suspects ang tinutukan ng handgun ang babae, na mayroon ring armas para protektahan ang kanyang sarili.

Naunang bumaril ang babae -- ang bala ay nadaanan ng kaunti ang ulo ng isa sa mga intruders, at nagsitakbuhan silang lahat.

Naabutan ng mga pulis ang juvenile na natamaan ng bala, at ang lalake ay dinala sa ospital para sa mga gunshot wounds sa kanyang ulo at likod.

Ayon sa mga residente, dumami ang mga break-ins sa kanilang lugar. Noong isang linggo lang ay may anim na insidente.

Ayon sa babaeng bumaril sa mga intruders, sana raw ay okay lang ang lalaking kanyang natamaan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments

Recommended