Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Brazilian na lalake, nagpa-plastic surgery para mag-mukhang Koreano!

Ito si Xiahn Nishi, isang 25-year-old na Brazilian na lalake, na nagpa-plastic surgery para magmukha siyang Koreano.

Nag-aral si Xiahn sa South Korea, at sa sobrang pagkagusto niya sa lugar na iyon, ay nagsagawa siya ng sampung surgical procedures sa kanyang mga mata.

Kinulayan din niya ng brown ang kulay dilaw niyang buhok, at tinakpan ang kanyang kulay asul na mata, ng kulay brown na contact lenses.

Iilang doktor din ang kinonsulta ni Xiahn bago siya nakahanap ng doktor na pumayag na gawin ang eyelid surgery na gusto niya.

Isinara ng surgeon ang talukap ng kanyang mga mata, para mabigyan siya ng single eyelids. In-injection-an din siya ng doktor ng hyaluronic acid, para madagdagan ang volume ng kanyang mga mata.

Si Xianh ay naging model, sampung taon nang nakalipas, at nilapitan na daw siya ng isang kompanya sa South America, para mag-model siya ng mga Asian-style na damit.

Ito ang itsura ni Xianh bago siya nagpa-opera. Alin ang mas gusto niyo: before or after? Mag-iwan ng opinyon sa comments.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments

Recommended