Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Bagong kasal, namatay nang nabangga nila nang head-on, ang isa't isa...at naulila ang tatlo nilang anak.

Ang 26-year-old na si Cristina Munoz at ang 31-year-old na si Nicolas Cruz ay parehong namatay, nang ang kanilang mga sasakyan ay nag-crash, Miyerkules ng umaga, malapit sa kanilang trabaho.

Minamaneho ni Munoz ang kanyang 1999 Saturn sa County Road 87...habang si Cruz ay nakasakay sa kanyang 1990 Mazda pickup, sa nag-iisang kalsada...

Nang ang kotse ni Munoz ay napunta sa hindi nakamarkang parte ng kalsada...at nagkabanggang ang dalawang sasakyan, sa isang head-on collision, kung saan parehong namatay si Cruz at Munoz.

Sa sobrang pagka-bayolente ng banggaan, ay nangailangan ng mga ekstrang kagamitan ang mga recuers, para lang maialis ang katawan ng mga biktima mila sa mga kotse.

Ang pinakanakakalungkot sa lahat ay bagong kasal pa lang sina Munoz at Cruz, at sa kanilang pagkamatay ay na-ulila ang tatlo nilang batang anak.

Ayon sa The Times Record News, parehong nagta-trabaho sa Mahard Pullet Farm ang mag-asawa, pero sa magkaibang building, kaya sila gumamit ng dalawang kotse. Iniimbestigahan pa ang maaring naging dahilan ng aksidente.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments

Recommended