V.Stiviano, ex ni Donald Sterling, inatake ng mga lalake sa NYC!
Alleged attacker ng ex ni Donald Sterling na si V. Stiviano, sumurrender na sa pulis!
Ang lalaking naakusahan ng pagsuntok at pagigng racist, laban kay V. Stiviano ay sumurrender na sa pulis.
Ang 40-year-old na si Dominick Diorio at ginawa daw it okay Stiviano, na ex-gilfriend ng dating may-ari ng LA Clippers na si Donald Sterling.
Sinabi ni Stiviano sa pulis na siya ay kumakain sa isang restaurant sa New York, kasama ang kanyang mga kaibigan, nang hinarass sila ng isang grupo, kung saan kabilang si Diorio.
Nang lumapit si Diorio kay Stiviano para kunan siya ng litrato, ay hinampas ni Stiviano paalis ang cell phone mula sa kamay ng lalake.
Umalis mula sa restaurant ang mga babae, at sinundan sila ng mga lalake. Pagsakay nila sa isang taxi, ay inatake sila ng mga lalake, na parehong sinuntok si Stiviano, bago sila naawat ng dalawang saksi.
Makikitang nasaktan si Stiviano, sa mga litratong kinunan matapos ang insidente.
Si Diorio ay humaharap sa mga kasong assault as a hate crime, assault, harassment, at aggravated harassment.
Si Stiviano ay sumikat matapos niyang i-record si Donald Sterling na nagbitaw ng racist na pananalita laban sa mga African Americans.
Ngayon ay pinapabenta ng NBA kay Sterling ang LA Clippers.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments