Sundalo, nasagasaan ng police officer -- at nakunan ng video ang mga pangyayari!
Si Emmanuel Andrade ay isang 22-year-old na sundalo na nag-serve sa Afghanistan, pero naka-station malapit sa Tacoma, Washington.
Ang nakakagulat na surveillance video na ito ang nagpapakita na nakahiga siya sa kalsada, ala una ng madaling araw. Buti na lang at may police officer na makakatulong sa kanya, diba?
Well, hindi siya nakita ng officer, at si Andrade ay na-trap sa ilalim ng sasakyan, at halos mamatay matapos makaladkad. Sa wakas, ay huminto din ang officer. Pero ano ang ginagawa ng sundalo sa gitna ng kalsada?
Ayon sa kanyang asawa, si Andrade ay tumambay kasama ang kanyang mga kaibigan noong gabing iyon.
Nagtangka siyang sumakay sa isang sasakyan na naka-park sa 600 block ng North Fife Sreet. Pagkatapos, ay bumaba siya mula sa sasakyan, at humiga sa kalsada.
Ayon sa Tacoma police, ang officer ay mabagal na nagmamaneho, naghahanap ng mga kaduda-dudang tao, at napatingin sa kanyang computer screen.
Ang infrared video na ito ang nagpapakita na si Andrade ay nakasuot ng kulat puti na shirt, pero maitim na damit ang suot niya noong gabing iyon. Na-trap siya sa ilalim ng sasakyan, at hindi namalayan ng police officer na mayroon na pala siyang nabangga.
Sa wakas ay napansin ng officer na may kakaibang nangyayari at pinahinto niya ang kanyang sasakyan.
Si Andrade ay nabalian ng buto, at kasalukuyang nasa ospital. Ang officer ay nagpapahinga mula sa trabaho.
Si Andrade, na ama sa dalawang anak, ay dapat na madi-discharge mula sa military sa July 4.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments