Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Dalawang nakamamatay na buhawi, binugbog ang mga bayan sa Nebraska!

Isang tao ang namatay, at labing-anim na tao ang nasaktan, matapos dumaan ang dalawang napakalaki at napakalakas na buhawi sa northeastern Nebraska, noong Lunes.

Ayon sa National Weather Service, ang mga buhawi ay bumagsak malapit sa mga bayan ng Stanton at Pilger, na iisang milya lang ang layo, sa wind speed na may 200 miles per hour.

Ayon sa mga saksi, nagtagal nang sampung minuto sa highway ang dalawang buhawi, at nasira nila ang halos lahat na bagay na kanilang naabutan...kabilang na rito ang iilang mga lugar ng pagsasaka.

Ang maliit na bayan ng Pilger ang pinaka-naapektuhan ng mga buhawi. Na-share ni Bryan Mendlik ang mga litratong ito, ng aftermath ng buhawi, sa social media. Sa kanyang tweet, sinabi niya na wala siyang maisip na salita para matukoy ang kanyang nasaksihan.

Isang buong parte ng bayan ang nawasak ng buhawi, ayon sa mga city officials. Ang Nebraska National Guard ay na-deploy na sa mga naapektuhang lugar, para tumulong sa cleanup at recovery.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments

Recommended