Baog na babae, nagnakaw ng baby mula sa natutulog na ina!
Warning: Ang mga ospital ay hindi isang ligtas na lugar para sa inyong mga baby.
Isang babae mula sa Hunan Province sa China ang nanakawan ng baby, apat na araw matapos siyang manganak. Si Wang ay natutulog katabi ang kanyang baby sa ospital, habang pinanonood sila ng babaeng naghihintay lang ng pagkakataong nakawin ang baby.
Ang baby snatcher na si Chang ay nahuli sa surveillance camera ng ospital na pagala-gala, at mukhang kaduda-duda.
Matapos siyang magtago nang matagal-tagal sa loob ng banyo, makikitang pinasok ni Chang ang kuwarto ni Wang, dala ang isang malaking balde. Tahimik niyang ninakaw ang baby, na inilagay niya sa balde.
Nang nagising ang ina at napansing nawawala ang kanyang baby, nagtawag siya ng staff ng ospital. Makikita sa CCTV footage na nakaalis na si Chang mula sa ospital, dala ang balde.
Makalipas ang ilang oras, natagpuan ng pulis ang bahay na ito, kung saan nila narinig ang ingay ng pag-iyak ng baby. Doon nila natagpuan si Chang, kasama ang baby.
Inamin ni Chang na ninakaw niya ang baby, at sinabing ginawa niya lang ito dahil nalaman niyang siya ay baog. Hindi niya alam kung paano niyang haharapin ang kanyang mga magulang, kaya nagnakaw siya ng baby.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments