Higanteng great white shark, kinain ng isang mas malaking mystery sea monster!

  • 9 years ago
Great white shark, kinain ng isang mystery sea monster!

Hindi mapakali ang mga scientists, matapos makain ng isang malaking 'mystery sea monster' ang isang great white shark.

Itinag ng mga researchers sa Australia ang great white, para ma-track ang location nito.

Makalipas ang apat na buwan, ay nakita nila ang tag sa isang beach, na wala pang dalawang milya ang layo.

Ayon sa data mula sa tag, nagpakita ng mabilis na pag-angat sa temperature, at biglaang paglubog nang dalawnag libong talampakan ang pating.

Ayon sa mga scientists, ang pag-angat ng temperature ang nagsasabing ang pating ay nasa digestive system ng isa pang hayop.

At ang kaisa-isang paliwanag dito sa ngayon, ay kinain ito ng isang higanteng cannibal na great white shark.

Isang napakalaking cannibal great white shark.

Ang kasong ito ay mafi-feature sa Hunt for Super Predator, isang dokumentaryong ipapalabas sa US sa June 25.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended