Teenager sa California, natikman ang buhay-milyonaryo, sa pamamagitan ng credit card scam!
Teenager sa California, nagsagawa ng credit card scam!
Si Mohannad Halaweh at isa niyang kaibigan ay gumamit ng mga nanakaw na credit cards, para maranasan ang buhay-mayaman.
Gaano kayaman?
Nag-rent sila ng sports car na may 250,000 dollars ang halaga, at isang 12 million dollar na bakasyunan sa Glen Ellen.
Nagbayad sila ng 13,000 para sa kotse, pero mukhang naloko rin sila, dahil ang kotse ay nai-report na nanakaw ng may-ari, ayon sa Sonoma Sheriff na si Michael Raasch.
Ang mga teenagers ay napahinto habang minamaneho ang 2012 McLaren sa Dutton Avenue sa Santa Rosa, 6:45 ng gabi.
Nadiskubre ng pulis ang nanakaw na credit card, na kanila ring ginamit para magbayad ng 27,000 dollars, para bahay na kanilang tinitirhan.
Hindi na ito ang unang beses na nanloko si Halawe. Noong isang taon, ang 19-year-old, na ginagamit ang pangalang MoMoney1521 sa Twitter, ay sinubukang bumili ng labing-apat na iPhone, at dalawang Macbook Air, gamit ang mga pekeng cards mula sa Apple store sa Berkeley.
Pagdating ng pulis, ini-waive niya ang kanyang Miranda rights, at inamin na gumamit siya ng pekeng cards at ID.
Nago siya naging credit card fraudster, ay minsang naging isang basketball star sa Analy High School si Halaweh. Sayang siya.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments