Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Matandang lalaking may walker, tinulak pababa mula sa MARTA train!

Kapag nakita mo ang isang matandang lalaking may walker, na tila wala sa tamang pag-iisip, at nagsasalita ng kung anu-ano, ano ang gagawin mo? Deadmahin ito, o itulak siya pababa ng subway?

Para sa lalaking ito sa Atlanta...pipiliin niyang itulak ang kawawang matanda!

Iniimbestigahan ng MARTA police ang isang insidenteng nai-post sa YouTube, kung saan ang matandang lalaking may walkr ay natulak pababa sa MARTA train.

Sumakay diumano ang matanda sa tren, at bastos na kinausap ang mga nakapaligid na pasahero.

Habang hindi siya pinansin ng ibang mga pasahero, isang tao ang nakipag-away sa matanda, at sinabihan itong huwag bastusin ang mga babaeng pasahero.

Okay na sana. Pero tinulak ng lalake ang matanda pababa sa tren, pagdating nila sa susunod na station. Ayon sa isang witness, nakita niyang pilit na natulak pababa ng tren ang matanda.

Ayon sa MARTA, iniimbestigahan nila ang insidente at hinahanap ngayon ng pulis ang lalaking mahilig manulak.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments

Recommended