Random Stupidity: Lalake, nag-surfing nang nakahubad sa ibabaw ng umaandar na truck, sa New Mexico!

  • 9 years ago
Random Stupidity: Lalake, nag-surfing nang nakahubad sa ibabaw ng umaandar na truck, sa New Mexico!


Hubad na lalaking nagsu-surfing sa isang pickup truck, nagsagawa ng chain-reaction na aksidente -- kung saan seryosong nasaktan ang isang motorista.

Ang lalake, na nakilala bilang si Alexander Werner, 27 years old, ay nakita ng isang padaan na motorista, na nagsu-surfing sa ibabaw ng isang Ford Ranger, habang umaandar ito sa State Road 522 sa Taos, New Mexico, Biyernes ng gabi.

Nahulog si Werner mula sa truck, at nahiga siya sa tabi ng kalsada.

Isang lalaking naka-motorsiklo ang bumagal para maiwasan si Werner...ang natamaan ng isang babaeng nakasakay sa isang van, at nagkaroon ng seryosong pinsala sa kanyang ulo.

Ang motorista na nakakita kay Werner noong una ang tumulong sa driver ng Ford Ranger na si Rashena Whittaker, na ibalik si Werner sa truck.

Nagmaneho silang paalis, pero sila ay napahinto at inaresto ng isang police officer, sa State Road 522 post 14. Si Werner ay may history ng drunk driving, assault, at criminal mischief.

Si Whittacker naman ay tinutukoy ang kanyang saili sa kanyang Facebook page, bilang isang polytheist na sumusunod lamang sa mga matatandang diyos.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended