Meth addict, napagkamalang alien spaceship ang isang kotse!

  • 9 years ago
Lalaking lulong sa meth, napagkamalang alien spaceship ang isang kotse!

Isang lalake sa Arkansas ang sinundan ang dalawang tao, matapos niyang makumbinsi ang kanyang sarili na ang kotse ng dalawa ay isang spaceship, at ang driver ay isang alien.

Ang 44-year-old na si James Bushart ay high sa meth...

Pero ang biktima na si Jay Ward ay naiintindihan kung bakit napagkamalan ni James na spaceship ang kanyang kotse, na isang Plymouth Prowler.

Hinarang ni James ang kotse...at sinabihan ang dalawang pasahero, na inakala niyang mga alien, na dalhin ang kanilang spaceship pabalik sa kung saan sila nanggaling.

Naaresto ng pulis si James, na sinabing siya ay isang 'very big deal' na tao, at mayroon siyang isang daang libong Asian flowers.

Natagpuan ng mga pulis ang meth at meth pipe sa kotse ng suspect, na nakasuhan ng DWI at Disorderly Conduct.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended