Isang double amputee sa Ohio at ang kanyang asawa ang nasorpresa ang isang lalaking pumasok sa kanilang bahay.
9pm noong Sabado, ang 49-year-old na si Jsoseph Copeland ay inakyat ang nakabukas na bintana ng isang bahay sa Dayton, at pinaghahalungkat ang gamit ng nakatira doon.
Akala ni Kenisha Marbury na may maliit na hayop na nakapasok sa kanyang kuwarto. Na-shock siya nang nakita niya si Copeland, at sumigaw siya para tulungan siya ng kanyang asawang si Roy Davis, na isang double amputee.
Nag-take turns ang mag-asawa na bugbugin ang lasing na intruder.
Ironically, isang bote ng alak ang kinailangang tumama sa ulo ni Copeland, para mapatigil ito sa paglaban. Inupuan nila ito para hindi siya makatakas.
Habang hinihintay na dumating ang pulis, inamin ng magnanakaw na may mga drug dealers na nagsabi sa kanya na may cash na nakatago sa bahay ng mag-asawa.
Si Copeland ay naaresto ng pulis, at nabigyan ng mental health at medical treatment.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH