Ama, naakusahan ng sadyang pag-iwan ng anak, na namatay sa loob ng mainit na kotse!
Ang inaakalang isang aksidente ay iniimbestigahan ngayon ng Georgia police bilang isang murder.
Noong June 18th, matapos kumain ng agahan sa isang fast food restaurant, pinaupo ni Justin Harris Ross ang kanyang 22-month na anak na lalake sa car seat, at nagmaneho papunta sa kanyang opisina.
Ayon sa initial reports, nakalimutan daw ni Ross na humino sa daycare, at hindi niya sinasadyang naiwan ang bata sa loob ng kotse nang halos pitong oras, habang ang temperature sa kotse ay umabot ng 90 hanggang 100 degrees Fahrenheit, o 30-37 degrees Celsius.
Pagkatapos niyang magtrabaho, nagmaneho nang sandal si Ross bago niya namalayan na nasa kotse pa rin ang kanyang anak.
Huminto siya at nagsagawa ng CPR sa bata, pero namatay na ito.
Noong una, ay naawa pa kay Ross ang pulis. Pero nang sinimulan ang imbestigasyon, ang mga sagot ni Ross sa mga tanong ang nagbigay sa kanila ng ideya nab aka hindi aksidente ang nangyari.
Isang issue ang distansiya na minaneho ni Ross mula sa kanyang kinainan ng agahan, at sa kanyang opisina. Apat na minuto lang iyon. Posible bang makalimutan niya agad ang kanyang anak?
Nalaman din ng pulis na bumalik sa kanyang kotse si Ross sa kanyang lunch break, pero hindi pa rin daw niya napansin ang bata.
Ayon sa isang police source, napakatapang ng amoy sa loob ng kotse, imposibleng hindi kapansin-pansin na mayroong nangyari.
Itong si Ross ay nagawa pang magmaneho ng isa't kalahating milya, bago siya huminto.
Inconsistent din ang kanyang initial statement, na ayon sa saksi sa parking lot, sinabihan daw sila ni Ross na nag-cho-choke ang kanyang anak.
Pero ang pinaka-importanteng ebidensiya ay natagpuan sa computer ni Ross sa kanyang trabaho.
Ayon sa pulis, may nagsagawa ng online search para malaman kung gaano katagal bago mamamatay ang isang hayop, kapag naiwan ito sa mainit na kotse.
Si Ross ay nakasuhan ng felony murder at child cruelty. Wala siyang bond, at siya ay nag-plead ng not guilty sa korte.
At kahit na may bagong ebidensiya laban sa kanya, mahigit labing-isang libong tao ang pumirma sa isang Chang.org petition, para mapawalang-bisa ang mga kasong naisampa laban kay Ross.
Ayon sa isang supporter, masyado nang maraming pinagdaanan si Ross para makulong. Sana ay payagan siyang makauwi sa piling ng kanyang asawa.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Comments