VIDEO: Racist Neo-Nazi, inatake ang isang Mongolian na lalake sa Barcelona!

  • 9 years ago
VIDEO: Racist Neo-Nazi, inatake ang isang Mongolian na lalake sa Barcelona!


Suspect, naaresto para sa isang racist attack sa Barcelona subway!

Isang video na nakunan noong June 28th, kung saan isang Asian na lalaking nakasakay sa metro sa Spain ang randomly at racially attacked, ang nagkalat sa Internet.

Ayon sa media reports, ang biktima, na isang Mongolian na lalake, ay sumakay sa line 1 train sa Urquinaona station sa Barcelona.

Nakasakay din sa tren ang iilang mga lalaking hindi nagustuhan ang Asian na lalake. Isa sa kanila ay kumpirmadong taga-Russia.

Nilapitan ng Russian ang Mongolian, at naglabas ng smartphone ang isa sa mga kaibigan ng Russian...at dito nagsimula ang video.

Hindi malinaw kung ano ang nasabi, pero halatang gustong takutin ng Russian ang Mongolian na lalake.

Pagkatapos, ay nagwala na ang Russian.

Sinubukang ipaghiwalay ng ibang mga pasahero ang dalawang lalake, at awatin ang Russian.

Isang pasahero na napagitna sa dalawa, ang tumulak sa Mongolian palabas sa susunod na station, Fabra i Puig. Maaring ginawa niya ito para mapigilan ang away, pero hindi tayo sigurado diyan.

Ang biktima ay hindi pa nakikilala, at hindi pa nagrereklamo sa pulis.

Ang mga imaheng ito ay mabilis na kumalat sa Internet, matapos itong ma-post sa Twitter ng isang user, na nagtago na rin at naisara ang kanyang page.

Pero nai-report ng local media sa Spain na ang Twitter user ay isang Caucasian neo-Nazi skinhead, na ipinost din ang mensaheng ito: "Hindi ako ang nasa video, ako ang kumuha ng video. Ang aking kasamahan ay taga-Russie. Ininsulto kami ng Chinese na lalake, kaya pinatahimik siya ng Russian."

Salamat sa mga tips mula sa mga Twitter users, naaresto ng pulis ang attacker noong Lunes. Siya ay makakasuhan ng Barcelona city government.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended