Hong Kong citizens, ipinaglalaban ang karapatan nilang mamili ng susunod na Chief Executive!

  • 9 years ago
Hong Kong citizens, ipinaglalaban ang karapatan nilang mamili ng susunod na Chief Executive!


Hong Kong protesters, ipinaglalaban ang demokrasya -- at hangang labanan ang pulis, na gusto silang pigilan!

Nag-ipon ang mga protesters sa Central district sa Hong Kong, kung saan binuksan nila ang mga flashlights sa kanilang mga telepono, at pinagkakaway ang mga ito sa ere, para mailawan ang daanan para sa demokrasya.

Matapos ang isang rally, kung saan may 510,000 na tao ang nagsilabasan noong July 1st, mahigit walong libong mga residente ng Hong Kong naman, kasama ang mga student movement groups at ang Hong Kong Federation of Students and Scholarism, ang nag-ipon sa Chater Road, at sa opisina ng Chief Executive na si Leing Chun-ying, para sa isang "Occupy Central" rehearsal.

Ipinaglalaban nila ang kanilang karapatan na piliin ang mga kandidato para sa susunod na eleksiyon. Plano nilang manatili sa mga locations na ito hanggang kinabukasan.

Ayon sa mga aktibista ng "Occupy Central," hindi ito ang pinakamabuting oras para magsagawa ng ganitong klaseng pag-protesta. Pero ayon sa mga student movement groups, naniniwala silang malapit nang i-announceng gobyerno ang first-stage political reform consultation, at kapag nagawa na ito, ay mahirap nang baguhin ang sitwasyon.

Si Tai Yiu-ting, na isa sa mga founders ng "Occupy Central" ay proud na proud daw sa mga estudyante.

Umasa ang pulis na aalis ang mga protesters, bandang 430 ng umaga. Hindi sila nag-apply ng permit para sa protesta, kaya hindi sila lumaban nang pinaalis sila ng mga pulis. Nakahanda rin silang tanggapin ang mga kasong isasampa sa kanila, sa tulong ng kanilang abugado.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended