Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Chinese na babae, kumain ng kabuteng may lason, para makita sa ilusyon ang patay niyang anak!


Matandang babae, kumain ng mga kabuteng may lason, para lang makita sa isang ilusyon ang kanyang patay na anak.

Isang 64-year-old na babaeng nagngangalang Wang sa Kunming, China ang kumain ng Noletus Luridus, isang kabuteng may lason, Martes ng umaga. Siya ay na-ospital. Nagtaka ang doktor at nurse, dahil ilang beses nang na-ospital ang babae sa loob ng ilang taon, para sa pagkain ng nakakalason na kabute.

Ang anak pala ni Wang ay namatay sa isang car accident, at gusting-gusto niya itong makitang muli. Isa sa kanyang mga kaibigan ang kumain ng kabute, walong taon nang nakalipas, at nakita daw sa isang ilusyon ang kanyang anak. Kahit na nagkaroon siya ng diarrhea pagkatapos, natuwa pa rin siya dahil nakita niya ang kanyang patay na anak sa ilusyon. Sinubukan ni Wang na lutuin ang kabute nang iba't ibang paraan, para lang makitang muli ang ilusyon ng kanyang anak.

Sinabi sa kanya ng doktor na imposibleng makita ang nag-iisang ilusyon matapos kainin ang kabuteng may lason. Sana ay ma-realize ni Wang na hindi nakakatulong sa kanya ang pagkain na may lason, at huwag nang sayangin ang kanyang buhay dito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended