Poodle, kinagat ang penis ng lalake, na hiniwalayan ang girlfriend at dinemanda ang may-ari ng aso!

  • 9 years ago
Poodle, kinagat ang penis ng lalake, na hiniwalayan ang girlfriend at dinemanda ang may-ari ng aso!


Ang poodle na ito, ay mahilig mangagat sa sensitibong parte ng inyong katawan! Siya ang dahilan ng paghiwalay ng isang mag-boyfriend sa Taiwan, matapos niyang kagatin ang kalalakihan ng lalake!

Ang poodle na si Black Tea, na mukhang inosente, ay alam na may kasalanan siya sa kanyang owner. Bad dog!

Spetember 14 noong isang taon, nang ang owner ng poodle na si Lai, na galing sa Taichung, Taiwan, ang nagpaalaga ng aso sa kanyang kaibigan na si Chang, nang ilang araw. Pero hindi sinabi ni Lai kay Chang na takot pala sa mga taong hindi niya kilala itong si Black Tea.

Hindi komportable si Black Tea sa bahay ni Chang, at natakot pa ito nang pumasok sa bahay ang boyfriend ni Chang na si Yang. Kaya kinagat ni Black Tea ang kalalakihan ni Yang, na dumugo!

Ang kagat ni Black Tea ang nakaiwan ng sugat na may one centimeter ang haba, sa penis ni Yang.

Hiniwalayan ni Yang si Chang, at dinemanda pa ito -- at pati na rin ang may-ari ng aso na si Lai, na pumayag na bayaran ng 70,000NT o 2,300USD si Yang.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended