Soccer coach, nasuspinde dahil sa pagsayaw ng seksi kasama ang mga estudyante!
Middle school teacher, na-suspinde sa trabaho dahil nakipag-twerking at lap dancing ito sa mga estudyante!
Suspendido na sa trabaho ang isang soccer coach sa Kernan Middle School sa Florida, dahil nag-twerk ito at tumanggap ng lap dance mula sa isang estudyante sa isang team party.
Si Courtney Spruill, na kilala bilang Coach Perry, ay nagtuturo ng physical education and health. Nagpunta siya sa isang team party sa bahay ng isang player noong Mayo, at nagdala diumano ng vodka bilang regalo.
Sa party, nag-twerk diumano si Coach Perry kasama ang mga bata, at sinabihan silang magsayaw nang seksi.
Nakita rin siyang umiinom ng alak at tumanggap ng lap dance mula sa isang player, na nakunan ng video.
Ayon sa Duval County School Board, may ebidensiya ng 'gross exercise of poor judgement' at bumoto sila noong July 1 para ma-suspend si Coach Perry nang labinlimang araw nang walang suweldo.
So...para sa inyo...siya ba ay nasty, or nice?
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH