Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 10 years ago
San Diego Comic Con assault – sino ang nanakit kay Roger Rabbit?

Para sa mga fans ng comics, animation, o computer graphics, ang ComicCon sa San Diego ang pinaka-inaabangan nilang event.

Bukod sa mga binebentang merchandise at industry announcements, nakakatuwang maglakad sa gallery para panoorin ang mga die-hard fans na dumadalo sa event nang naka-cosplay.

Pero sa ComicCon sa taong ito, nagkaroon ng kaunting drama, nang natagpuang walang malay ang isang 17-year-old na babae sa tabi ng kalsada, malapit sa main venue.

Ang biktima, na hindi natin makikilala dahil siya ay menor de edad, ay nagpahatid sa ComicCon sa kanyang kaibigan na si Justin Kainor, mula sa Lake Elsinore, na dalawa’t kalahating oras ang layo mula sa San Diego. Si Justin ay namamahala sa isang YouTube channel na puno ng cosplay event videos. Ang biktima ay nakasuot ng Roger Rabbit na costume.

Kinagabihan, may nag-imbita sa kanila sa isang hotel, kung saan nag-iinuman ang iba pang mga cosplayers. Ayon kay Kainor, nauna siyang umalis dahil nagpaiwan ang babae party. Pagkatapos, ay natagpuang walang malay sa kalsada ang babae.

Ayon sa mga naunang reports, naasulto daw ang babae. Pero ayon sa San Diego police, nahulog lang daw ito. Sa ngayon ay hinihintay nila na ma-evaluate ng isang judge ang statement ni Kainor.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended