Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 10 years ago
Katakot-takot na trapik, resulta ng pag-akyat ng isang lalake sa freeway overpass!

Isang major Los Angeles freeway ang naisara noong Biyernes, matapos akyatin ng isang lalake – na posibleng may balak na magpakamatay – sa ledge ng isang overpass, at nanatili doon ng ilang oras.

Noong una, inakala ng mga pulis na ang lalake ay may balak na i-tag ang freeway sign, gamit ang spray paint, pero hindi pala ito ang nangyari.

Ayon sa mga pulis, mukhang may balak na magpakamatay ang lalake, at nagtawag sila ng mga crisis negotiators para kausapin ito.

Ilang oras na na-stuck ang mga motorista sa 5 freeway, na isa sa mga major freeway sa LA. Habang maraming naawa sa lalake, na maaring mentally ill, marami din ang nagalit dahil ang nag-iisang lalake ang nakasira sa plano at nagsayang ng oras ng napakaraming tao.

Ayon sa isang saksi, dapat at tumalon na agad ang lalake para hindi na niya lalong masira ang Friday night ng lahat ng tao. Sabi naman ng isa pa, dapat na itulak at saluhin ng pulis ang lalake.

May iba namang nagdesisyong mag-enjoy kahit papano…gaya ng grupong ito, na naglabas ng card table at naglaro ng Texas Hold ‘Em.

O ang lalaking ito.

Makalipas ang apat na oras ng pagtangging bumaba mula sa ledge, ang lalake ay naaresto din ng pulis at dadaan sa isang mental evaluation.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended