“The Wire” actor Anwan Glover, nasaksak sa loob ng nightclub sa DC!
Si Anwan Glover, ang aktor na gumanap bilang Slim Charles sa HBO series The Wire, ay nagamot matapos siyang masaksak sa isang nightclub sa DC, Linggo ng madaling araw.
Habang siya ay nasa Club Asia para suportahan ang isang banda, si Glover ay nasangkot sa away kasama ang mga taong hindi pa nakikilala. Doon siya nasuntok ng isang tao.
Paglingon niya para harapin ang sumuntok sa kanya, isa pang tao ang humampas sa likod ng kanyang ulo, at siya ay nadulas sa basing sahig.
Ayon kay Glover, matapos siyang masipa habang siya ay nakatumba sa sahig, narinig niya na may sumigaw na, “may dala siyang kutsilyo!” at nakaramdam siya ng sakit sa kanyang gilid.
Nag-post si Glover sa kanyang Instagram na siya ay na-ospital at na-discharge na rin. Nawalan daw siya ng telepono, pero agad daw siyang bibili ng bago.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment