VIDEO: Bastos na Asian-American, pinagmumura ang isang bus driver sa Taiwan!

  • 9 years ago
Bastos na lalake, pinagmumura ang isang bus driver, dahil hindi siya nakababa sa tamang lugar mula sa bus.

Ang Asian American na lalaking ito – na nagngangalang ‘Jason’ - ay naging target ng mga tao sa Taiwan, matapos magkalat ang video kung saan pinagmumura at pinaghahamon niya ang isang Taiwanese na bus driver sa Taoyuan, Taiwan.

Sa isang clip na nakunan ng isa pang pasahero sa bus, isang grupo ng mga senior citizens ang makikitang kinakalma ang lalake – na hindi nakinig dahil marami siyang gustong sabihin sa driver.

Ang clip ay ikinagalit ng marami sa Taiwan, matapos itong maglakat sa social media.

Ayon sa reports, si Jason at ang buntis niyang asawa ay pinindot ang bell matapos dumaan sa kanilang stop ang bus…at insahan nilang agad-agad pa rin silang makakababa ng bus! Paulit-ulit na sinigawan ni Jason ang bus driver, in English, na akala naman niya ay maiintindihan ng driver…habang ang buntis niyang asawa ay nag-translate para sa kanya at sinabi sa driver, in Chinese, na gusto ni Jason na humingi ng driver ng paumanhin at magsabi ng sorry sa kanya.

Sabi ng lola, “sige na, sorry na ako, sorry na kaming lahat, nagmamadali kami…pwede na ba kaming umalis?”

May nagsabing magtatawag siya ng pulis, at ang sagot ni Jason…

Halata ba na iilang salita lang ang alam niyang sabihin?

Ang pinaka-ikinagalit ng mga netizens, ay matapos na kumalat ang video, nagsilabasan ang mga acquaintances ng lalake at sinabing magaling pala ito mag-Chinese. Eh kung ganon, bakit kinailangan niyang magsisigaw at magmura ng English? Feeling ba?

Makalipas ang tatlong minuto, at labimpitong “Eff You,” bumaba na rin sa wakas ang mag-asawa mula sa bus. Ano sa tingin niyo? Nakakasama bas a paningin niyo sa mga Asian Americans ang lalaking ito? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended