'Dawn of Libya' militants, nagpa-pool party sa abandonadong US embassy!

  • 9 years ago
Mga Libyan Islamists, nagpunta sa isang abandonadong US Diplomatic Compound, kung saan nagsagawa sila ng…isang pool party!

Hello! Ano ito? Isang Beverly Hills/Hollywood pool party? Isang grupong US high schoolers na nagbabakasyon sa bahay ng kanilang mga magulang? Isang tech mogul at mga porn stars na nagpa-party sa Mediterranean?

Nope. Ang mga taong ito ay mga miyembro ng Islamist militia na ‘Dawn of Libya,’ at sila ay nag-e-enjoy ng break mula sa jihad, sa abandonadong residential annex ng US embassy sa Tripoli.

Mukhang matagal-tagal nang hindi nakakapag-swimming ang mga militants na ito.

Ang complex ay iniwan ng mga US diplomats noon pang late July, nang nagsipuntahan sila sa Tunisia dahil sa kakulangan ng seguridad.

Pinasok ng mga militants ang complex noong isang linggo, at sinabing pino-protektahan nila ito mula sa mga extremists na magnanakaw.

To be fair sa ‘Dawn of Libya,’ ang compound ay hindi pa nawawasak, na pinapatunayan ng mga litratong ito, na nakunan sa media tour na in-organize din ng grupo.

Kung kami ang tatanungin niyo, ay mukhang kailangang linisin ang swimming pool.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended