Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 10 years ago
Babae sa Colorado, natusok ng bakal na railing sa puwit habang sabay na nagmamaneho at nag-te-text – na nag-resulta sa pag-crash ng kanyang truck, Miyerkules ng umaga.

Matapos niyang ihatid ang saxophone ng kanyang anak, umalis mula sa Elizabeth Middle School si Christina Jahnz.

Habang nasa parking lot pa siya, at nagmamaneho nang 20 miles per hour, nagsimula siyang mag-voice text sa isang kaibigan.

Pero nang yumuko siya para tingnan ang kanyang phone, nag-crash siya sa guardrail!

Tumagos ang guardrail sa front light ng truck, sa kanyang kaliwang hita, at lumabas sa kanyang puwit, at tumagos sa likod ng kanyang upuan!

Kinailangang hiwain ng mga firefighters ang harap at dulo ng railing, bago nasugod sa ospital si Christina.

Matapos ang apat na araw sa ospital, at nai-release si Christina, Linggo ng gabi, at inaasahang makakapagpagaling nang walang problema! Swerte!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended