Chinese na babae, napaso dahil sa nag-overheat na iPhone – at nagkaroon siya ng peklat sa mukha!
May bagay ban a imposibleng mangyari sa China? Isang babae mula sa Hunan Province sa China ang nagsasabing napaso ng kanyang iPhone ang kanyang mukha, na nagkaroon ng mga peklat.
Ayon sa babae, matagal niyang kausap sa telepono ang kanyang boyfriend, noong July, at naramdaman niyang napakainit ng kanyang cell phone. Kahit na hindi maganda ang pakiramdam ng mainit na telepono sa kanyang mukha, ay nagpatuloy siya sa pakikipag-usap, at pagkatapos ay naglagay siya ng ice pack sa kanyang mukha.
Ayon sa babae, napansin lang niya na napaso ang kaliwang parte ng kanyang mukha, nang napuna ito ng kanyang katrabaho. Kaya nagpunta siya sa isang klinik at binigyan siya ng doktor ng ointment, at sinabihan siyang magpunta sa specialist kapag hindi gumana ang gamot.
Nang hindi gumaling ang kanyang mukha makalipas ng ilang araw, nagpunta siya sa ospital, at nalaman niyang siya ay nagkaroon ng electrical burn.
Tinawagan niya ang Apple customer service sa China, at sinabi daw sa kanya ng Apple na iimbestigahan nila ang insidente…pero hindi pa daw siya nakakatanggap ng sagot mula sa kompanya.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment