Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Loka-lokang ina, nagtapon ng TAE sa harap ng shop ng kanyang anak na babae!

Si Jane at ang kanyang boyfriend ay may-ari ng isang restaurant sa Southern Taiwan.

Itong nakaraang anim na buwan, ay may taong nagtatapon ng tae sa harap ng kanilang restaurant. Kaya nagdesisyon silang magpakabit ng camera para mahuli sa akto ang suspect.

Hulaan niyo kung sino ang surprise suspect --- ang ina ni Jane!

Bata pa lang si Jane ay inaabuso na daw siya ng kanyang ina, at sa tuwing may ka-live-in na boyfriend si Jane ay nagagalit daw ang nanay niya.

Pagkatapos ng kolehiyo ay nakipag-live-in si Jane sa kanyang boyfriend para makalayo sa kanyang ina --- pero hinarass sya ng kanyang ina sa telepono, at sinabi pa nito sa pulis na si Jane ay isang drug dealer!

Nang kinumpronta ni Jane ang kanyang ina tungkol sa insidente, ang sabi ng nanay niya ay, “Umuwi ka nalang kasi sa akin.”

Umm…no thanks mommy dearest!

Pinag-iisipan daw ni Jane at ng kanyang boyfriend na idemanda ang nanay ni Jane, pero umaasa silang magbago ng isip ang kanyang ina para walang nalang gulo.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended