Isa na namang eroplano, napilitang mag-landing dahil sa reclining seats!

  • 9 years ago
Isa na namang flight, na-divert dahil sa mga pasaherong pinag-awayan ang mga reclining seats sa eroplano!

Mukhang nauso na talaga ang mga insidente kung saan napilitang ma-divert ang mga eroplano dahil sa mababaw na dahilan…

Isang galit na pasahero ng Delta Airlines, sa flight mula New York papuntang Palm Beach, Florida, ang pinaka-latest na dahilan kung bakit hindi makalipad nang maayos ang isang commercial plane.

Ang pasahero na si Amy Caryn Fine ay gustong matulog, kaya hiniga niya ang kanyang ulo sa kanyang tray table…nang ang babaeng nakaupo sa harap niya, na nagtatahi, ang sinubukang i-recline ang kanyang upuan.

Kahit na walang mga nai-report na injuries, ang pag-recline ng babae ay mukhang nakasakit nang todo sa 32-year-old na si Amy, na nagsisigaw, nagmumura, at inutos na agad na mag-landing ang eroplano.

Pag-landing ng eroplano sa Jacksonville, Florida, sinalubong ng pulis si Amy.

Ito na ang ikatlong insidente ng pilit na pag-landing ng eroplano dahil sa mga pasaherong pinag-awayan ang mga reclining seats, sa loob lang ng siyam na araw.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended