Grupo ng teenagers sa Memphis, sinindak at binugbog ang mga staff at shoppers sa Poplar Plaza shopping center noong Sabado, nang isinagawa nila ang larong, ‘point em out, knock em out.’
Isang witness ang kumuha ng cellphone video ng mga mukhang random na pag-attack sa mga tao.
Naglalaro diumano ang mga bata ng isang bayolenteng laro na, ‘point em out, knock em out.’ Ito ay isang laro kung saan icha-challenge ng mga participants ang kanilang mga kaibigan na maghanap ng mga mabibiktima, na pwedeng awayin o i-knock-out.
Isnag employado ng Kroger ang nakatanggap ng bayolenteng pambugbog, na ayon sa mga internet commenters ay isang hate crime.
Binugbog ng mga teenagers ang kanilang biktima hanggang sa nawalan ito ng malay; pagkatapos ay pinagbabato nila ito ng mga kalabasa.
Ayon sa isang eyewitness, dalawa sa mga biktima ay African-American. Makikita natin na isa sa mga biktima ay employado rin ng Kroger.
Humihingi ng tulong mula sa publiko ang mga awtoridad sa Memphis, para makilala at maaresto nila ang mga suspects.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH