Teenager sa Michigan, pinintasan ng mga tao, matapos siyang mag-post ng pagpugot ng ulo ng isang pagong sa Facebook!
Ito si Catrina Shears, isang 17-year-old mula sa Cedar Springs Michigan, na naisipang i-post ang isang video kung saan pinugutan niya at ng kanyang pamilya ng ulo ang isang snapping turtle, gamit ang isang hacksaw, sa Facebook.
Napaka-graphic ng video – para sa malakas ang loob, magpunta sa tomonews.net matapos panoorin ang video na ito.
Dalwampung segundo ang kinailangan para mahiwa nang tuluyan ang leeg ng pagong, at maputol ang ulo ng kawawang hayop.
Makikita natin sa mga comments na maraming nagalit sa kanyang ginawa.
Pero ipinagtanggol ni Catrina ang kanyang sarili, at sinabing nagmamadali sila at wala silang mahanap na palakol, na magbibigay sana ng mas maikling paghihirap para sa pagong.
Ayon sa mga local wildlife officials, walang ginawang mali si Catrina at ang kanyang mga kapatid, basta ba ang hayop na pinatay nila ay nahuli sa legal na paraan. Pero sinabi din nila n asana ay mas mabilis nilang napatay ang hayop.
Circular saw, anyone?
Kahit na legal ang kanilang ginawa, maraming naghamon kay Catrina, na napilitang isara nang panandalian ang kanyang Facebook account.
Para sa mga kabataan diyan sa tabi-tabi: sa susunod na may gagawin kayo na may potential na maging kontrobersiyal, huwag na itong i-video at i-post sa Internet. Okay?
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH