Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 10 years ago
Anong Tagtuyot? Isang mega slip and slide, parating na sa downtown Los Angeles!

Para sa mga bata, at sa mga young at heart!

Ksalukuyang pina-plano kung paano gagawing isang one-thousand-foot-long slip and slide, ang kalsadang ito sa downtown Los Angeles, na mae-enjoy ng mga tao sa isang buong araw.

Ayon sa mga organizers ng ‘Slide the City,’ kakailanganin ang apat na oras para i-set-up ang isang libong talampakang haba na slide, na aabot ng tatlong city blocks. Ang travel speed sa slide ay depende sa bigat at size ng mga taong sasakay dito.

Ayon sa mga organizers, ang one-day event ay gagamit ng labinlima hanggang dalawampung galon ng tubig. Habang parang napakaraming tubig nito, tandaan po na ang average LA swimming pool ay nawawalan ng ganyang karaming tubig sa evaporation pa lang, bawat taon.

Pero may seryosong tagtuyot ngayon sa California, kaya maraming nag-aalala sa plano ng Slide the City.

Nagsagawa ng online petition ang LA resident na si Katrina Soto, para pakiusapan ang mga officials na i-deny ang permit para sa slide. Ang petition ay mabilis na nakakuha ng suporta ng marami.

Dahil dito, ay binago ng mga event organizers ang kanilang mga plano. Ang tubig na gagamitin sa event ay ire-recycle at gagamitin sa pagdilig sa greenery sa Griffith Park sa Hollywood Hills.

Kailangan pa ring pirmahan ng Bureau of Street Services ang permit, para magkaroon ng mega slide, pero wala naman nang inaasahang problema ang mga event organizers.

So far ay nakabenta na daw sila ng apat na libong ticket para sa event.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended