Jam session sa gitna ng kagubatan, napahinto ng isang paniking may rabies!
Kapag kayo ay nag-ka-camping sa magubat na lugar sa Portland, Oregon, mas mainam na iwasan niyong bumuo ng mga guitar at beat-box cirlces na gaya nito – dahil baka magalit lang sa inyo ang mga paniking may rabies, na naninirahan doon.
Hindi man ito madalas na mangyari, ay mukhang makikinig sa aming babala itong si Derrick Skou, na habang masayang nag-gi-gitara, ay biglang nakagat ng paniki sa kanyang dibdib!
Matapos ito mangyari, ay binaril ng kaibigan ni Skou ang paniki, gamit ang isang BB gun. Naidala ang paniki sa Multnomah County Health Office, kung saan nadiskubreng may rabies pala ito! Si Skou ngayon ay mangangailangan ng dalawang linggong vaccinations, para hindi siya mahawa ng rabies, o iba pang mga komplikasyon na gaya nito…
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH