Isang carjacker sa Oklahoma, may magandang mensahe para sa mga kabataan!
Ang lalaking ito ay may mabuting advice para sa inyo, pero kailangan niyong manghintay hanggang sa dulo ng video na ito.
Si Michael Patton ay nagnakaw diumano ng isang taxi sa Oklahoma City noong Lunes.
Nakasuot siya ng kulay dilaw na wig, at gumamit siya ng kutsilyo para nakawin ang kotse at saktan ang driver.
Ginamit ng pulis ang GPS ng taxi para ma-track ito, pero natagpuan ng isang news helicopter ang nanakaw na kotse, na sinundan nito, habang si Patton ay nagpaikot-ikot sa siudad, na nauwi sa isang crash.
Nagtangkang magtago sa magubat na lugar ang carcjacker, pero nakita na siya ng news helicopter. Hindi nagtagal, ay nahuli na rin siya ng mga pulis.
Matapos siyang maaresto, umamin si Patton sa pag-carjack at iba pang mga pagnanakaw na kanyang isinagawa…may labing-isang anak daw siya, na madadagdagan ng isa pa! At inalok niya ang advice na ito sa mga kabataan…
Iyan ang isang lalaking alam kung ano ang kanyang pinagsasabi!
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment