Football star Adrian Peterson, inabuso ba o dinisiplinahan lang ang kanyang anak?

  • 9 years ago
Vikings’ running back Adrian Peterson, maglalarong muli, matapos ag kanyang kontrobersiyal na kaso ng child abuse: inabuso ba niya, o dinisplinahan lang, ang kanyang anak?

Maraming mga magulang sa Amerika ang naniniwala sa sinasabi ni Bibliya, na ang mga bata ay kailangang parusahan, kung nais nating sila ay matuto. Kabilang na sa kanila ang Minnesota Vikings’ running back na si Adrian Peterson.

Humingi ng paumanhin ang football star sa isang presscon noong Lunes, para sa pananakit na kanyang ginawa sa kanyang apat na taong gulang na anak – at siya ay na-reinstate sa kanyang team sa araw ring iyon.

Noong Sabado, sumurrender si Peterson sa pulis sa Texas, nang nalaman niyang may arrest warrant na nakalabas para sa kanya.

Ayon sa mga alegasyon laban kay Peterson, inabuso niya ang kanyang 4-year-old, nang hinampas niya ito ng kahoy na pamatpat noong Mayo. Heto ang mga sugat na naiwan sa katawan ng bata.

Ayon sa Texas police, nagkaroon ng sugat sa kanyang hita, puwit at pati na rin sa kanyang mga private parts ang maliit na bata.

Nahati sa dalawang panig ang mga commentators: ang dating basketball star na si Charles Barkley ay nagsabing normal lang ang paluin ang mga bata, at hindi dapat sinasabihan ng NFL ang kahit na sino sa kung paano nila dapat na palakihin ang kanilang mga anak.

Ang ESPN analyst at dating Vikings player naman na si Cris Carter, ay naging emosyonal dahil naalala niya kung paano siyang bugbugin ng sarili niyang ina, noong siya ay bata pa.

Ano sa tingin niyo? Ang corporal punishment ba ay dapat na gamitin ng mga magulang? May karapatan ba tayong sabihan ang iba kung paano disiplinahan ang kanilang mga anak? Sumobra ba si Peterson, at ang pag-disiplina ay nauwi sa abuso? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH