Masamang biro, nauwi sa kamatayan ng isang teenager sa Ohio!
  • 9 years ago
Teenager na nakasuot ng Juggalo na maskara, nabaril at napatay sa isang home invasion!

Tatlong Ohio teenagers – dalawa sa kanila ang nasa litrato dito – ang humaharap sa murder charges, matapos nilang isagawa ang isang masamang biro…gamit ang isang Insane Clown Posse na maskara, noong isang linggo…na nagresulta sa pagkamatay ng 17-year-old na si Reb Barbee.

Hawak ang isang kutsilyo, at suot ang Insane Clown Posse na maskara, ang namatay na si Barbee ay nagpunta sa bahay ng isang kaibigan, alas kuwatro ng madaling araw noong Linggo – pero nakita siya ni Heather Tackett, na ina ng kanyang kaibigan.

Hindi nakilala ni Tackett si Barbee, kaya binaril niya ito, gamit ang baril ng kanyang boyfriend. Tumakbo paalis si Barbee.

Walang kamalay-malay si Tackett na ang lalaking kanyang binaril, na naka-maskara, ay kaibigan ng kanyang anak. Hindi rin alam ni Tackett, na ang kaisa-isang bala na kanyang binaril ay tumama sa likod ni Barbee.

Matapos lumabas ng bahay, nakatakbo si Barbee – kasama ang tatlo pang kaibigan na sangkot sa break-in, pabalik sa kanyang bahay.

Sa puntong ito, ay nawalan na ng marami-raming dugo si Barbee, pero ang kanyang mga kaibigan, na sina Adam Pickens, Brandon J. Hamilton, at tyler R. Blazer ay naghintay pa ng isang oras bago sila tumawag ng tulong.

Sa isang gabing puno ng masasamang desisyon, ang pinakamalala sa lahat ay ang paghintay nila sa pagtawag ng tulong para sa nasaktan na si Barbee.

Si Barbee ay kinumpirmang patay, matapos siyang makarating sa isang ospital.

Dahil sa katangahan ng mga teenager, namatay ang kanilang kaibigan, at naaresto na ang tatlong magkakaibigan. Sila ay humaharap sa mga kasong delinquency murder at complicity to aggravated burglary.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended