Mga Pakistani na pulitiko, pinaalis ng mga pasahero mula sa isang flight!
Ilang beses na kayong nakarinig ng ganitong klaseng announcement sa eroplano? “Ladies and gentlemen, your flight has been delayed indefinitely – sorry for the inconvenience, and thank you for flying with us.”
Ang air travel ay mas lalong naging busy itong nakaraang mga dekada, at dahil dito ay hindi na natin maiwasan ang mga flight delays.
Pero habang maari nating patawarin ang problemang gawa ng masamang panahon o ng masyadong busy na schedule, mahirap pagbigyan ang delay na gawa ng iilang mga pulitiko.
Noong Lunes, pinaalis mula sa isang Pakistan Airlines flight ang mga Pakistani na pulitikong sina Rehman Malik at Dr. Ramesh Vankwani, dahil nagdesisyon ang mga pasahero na sila ang dahilan kung bakit na-delay ang kanilang flight.
Heto ang video mula sa flight sa araw na iyon.
Ang galit ng mga pasahero ang nagpapakita ng problema ng mga tao, sa inaakala nilang special treatment na ibinibigay sa mga mayayaman at makapangyarihan sa Pakistan.
Dineny ng mga pulitiko ang alegasyon ng special treatment, at sinuspend ng airline ang ground staff, na kanilang sinisi para sa delay. Tutoo man ito, ay hindi natin mababago ang isip ng mga Pakistani…lalo na ang mga nakasakay sa flight na iyon.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH