Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Chinese na ama, pinagbawalan ng subway staff na paihiin ang kanyang anak sa subway – kaya inatake niya ang kawawang employado!

Heto na naman ang mga Chinese, na ginagawang banyo ang mga lugar na para sa publiko. Ang Chinese na lalake na naka-puti ay nakunan sa video, na inaaway ang isang subway station attendant, na pinagbawalan ang kanyang anak sa pag-ihi sa gitna ng station.

Nangyari ang insidente, bandang tanghali sa Wuxi subway station sa Jiangsu Province sa China. Pinigilan ng isang janitor ang lalake, na pinayagang umihi sa platform ang kanyang anak. Tinuro ng babae kung nasaan ang nalalapit na banyo, at inalok pa niya ang mag-ama ng plastic bag sakaling hindi umabot sa banyo ang bata. Makikita sa CCTV footage ang lalake, na sinisigawan ang babae, bago gumitna ang ibang subway personnel. Dito nakisali sa away ang dalawang babaeng pasahero na kasama ng lalake.

Mabilis na nauwi sa away ang kanilang pag-uusap, nang tinangkang hatakin ng lalake ang staffer sa tren na balak nilang sakyan. Sinampal ng isa sa mga babae ang kawawang subway worker sa mukha, at hindi namin malaman kung paanong nanatiling kalmado ang employado habang nangyayari ang lahat ng ito. Sana’y bigyan siya ng malaking bonus ng kanyang boss!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News
Be the first to comment
Add your comment

Recommended