VIDEO: Chinese netizens, hinanap ang lalaking kinaladkad ang isang aso sa likod ng kotse!

  • 9 years ago
Mga Chinese netizens, hinahanap ang isang taong nakunang kinaladkad sa likod ng kotse ang isang kawawang aso!

Isang walanghiyang tao, na kinadena ang isang aso sa likod ng kanyang kotse, na kanyang minaneho sa isang highway sa southern China, habang nakaladkad ang aso – na nag-iwan ng bakas ng dugo sa kalsada – ang mayroon ngayong milyon-milyong mga kaaway.

Isang driver, na nasaksihan ang mga pangyayari sa Shantou Road, malapit sa Dongguan, ang kinunan ang insidente sa kanyang smartphone, at in-upload ang video sa Internet. Mabilis na kumalat ang video, sa WeiBo at WeChat.

Dahil malinaw na malinaw ang license plate ng kotse, nagsagawa ang mga netizens ng tinatawag na ‘human flesh search’ para madiskubre kung sino ang walanghiyang taong ito. Ang kanyang phone number, national ID number, home address at pangalan – lahat ng ito – ay public information na ngayon.

Mr. Zheng Weiyang…you’re screwed. For life.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended