Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Babae sa Colombia, gumamit ng patatas, bilang contraceptive!

Hangga’t maari ay dapat tayong makinig sa ating mga magulang --- pwera na lang kapag sinabihan nila tayo na ang pagpasok ng patatas sa ating mga lady parts ay isang epektibong paraan ng birth control!

Isang babae sa Colombia ang nagpunta sa klinik noong isang linggo, dahil sumasakit ang kanyang abdomen.

Dalawang linggo na kasing nakalipas, mula nang ipasok ng babae ang isang patatas sa kanyang vajayjay, dahil sinabi ng kanyang ina na hindi siya mabubuntis kapag ginawa niya ito.

Wala daw kasing sinabi ang nanay ng babae na dapat din niyang tanggalin ang patatas --- kaya hinayaan ito ng babae sa loob ng kanyang vagina.

Ang problema? Nagsimulang mag-germinate ang patatas sa loob ng katawan ng babae, na dahilan kung bakit sumakit nang todo ang kanyang lower abdomen.

Nang inexamine ng nurse sa klinik ang babae, nagulat siya at nakita niyang may mga ugat na lumalabas mula sa vagina ng pasyente!

Buti na lang at natanggal din ang patatas nang hindi nangangailangan ng operasyon.

At buti na lang rin at hindi siya sinabihan ng kanyang ina na gumamit ng pakwan!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended