Anak ng Hong Kong Chief Executive, napakayabang sa social media!

  • 9 years ago
Anak ng Hong Kong Chief Executive, ipinagmamalaki ang maluho niyang pamumuhay, na binabayaran ng mga Hong Kong taxpayers!

Ang anak ng Hong Kong Chief Executive CY Leung, na si Chai Yan Leung, ang nag-post ng katangahan sa Facebook. Ipinagyabang niya ang kanyang kwintas, na malamang ay made in China, na binayaran daw para sa kanya ng mga Hong Kong taxpayers. Tama ba naman yan?!

Ang Chinese na Paris Hilton na ito ay nagpatuloy pa sa pagsabing aalis siya mula sa Government House nang nakatakip ang kanyang mukha…bugbugin daw siya ng taong makakakilala sa kanya. Ang labo niya!

Karamihan sa mga taga-Hong Kong ang walang oras na pansinin ang spoiled brat na ito, pero ang kanyang mga latest na posts ay nakakairita – gaya ng kanyang ama.

Sa isang interview, nagreklamo si Chai na ang family photo na ito ay hindi natural…siya raw ay inutusan lang na magpunta sa Hyde Park para magkunwaring masaya sila ng kanyang pamilya, bilang isang PR stunt na pasimuno ng kanyang ama. So? Who cares?!

Nagreklamo din siya tungkol sa kanyang ina, na sinisisi niya para sa kanyang mga mental issues at depression.

Habang nakatira ang Chinese Paris Hilton na ito sa Hong Kong Disneyland, ito naman ang ginagawa ng ibang tao sa Hong Kong.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended