Lalaking nasa loob ng isang homemade na bubble, hindi umabot sa Bermuda!
Isang lalaking tumatakbo sa isang inflatable bubble ang naligtas, pitumpung milya ang layo mula sa east coast ng Florida, matapos pumalpak ang kanyang pagtangkang paglakbay sa Bermuda Triangle, Sabado ng umaga.
Ang lalake ay ang kilalang extreme marathon runner at peace activist na si Reza Baluchi – at naisipan niyang gawin ito para mag-ipon ng pera para sa isang children’s charity.
Dinesign ni Baluchi at ng kanyang mga kaibigan ang lumulutang na hamster wheel, sa pamamagitan ng paglagay sa bubble sa loob ng isang bakal na kulungan…naglagay sila ng tubig at protein bars sa loob ng bubble, para may pagkain si Baluchi.
Sinubukan ni Baluchi ang kanyang hydro pod bubble sa pamamagitan ng pagtakbo sa itaas ng tubig, mula sa California Newport Beach, papunta sa Catalina Island.
Naitakbo niya ang animnapung milya, nang hindi pa umaabot ng isang buong araw, at nagdesisyon siyang harapin ang mas malaking pagsubok.
Nagsimula siya mula sa St. Augustine, Florida, noong Sabado, at umasa siyang makakalakbay siya nang isang libo at tatlumpu’t tatlong milya papunta sa Bermuda – para mapatunayan na ang tubig ay hindi kasing delikado gaya ng ating inaakala.
Natagpuan siya ng US Coast Guard, nang nangangalahati pa lang siya sa kanyang paglakbay; nag-alala sila para sa kaligtasan ni Baluchi, na sinabihan nilang huwag nang ituloy ang kanyang plano. Ang sagot ni Baluchi: “Saan ang daan papuntang Bermuda?”
Makalipas ang isang linggo at pitumpung milya, natagpuan nilang muli ang pagod na pagod at nalilitong si Baluchi, na hindi na nakayanang kumpletuhin ang kanyang paglalakbay.
Nagpadala ng crew ang Coast Guard para iligtas si Baluchi, na hindi naman nasaktan.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH