Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4/14/2015
Para makita ang mga litratong ibinigay sa amin ni Sangary, magpunta po sa link na ito: http://bit.ly/1CPSuKG.


Abugado sa California, na naakusahan ng pag-photoshop ng mga litrato kung saan kasama niya ang mga sikat na artista, ay nagsalita na rin sa isang Tomo News exclusive one on one interview!

Noong isang buwan, ni-recommend ng California State Bar Court na masuspinde si Svitlana Sangary sa pag-practice ng law, nang anim na buwan – matapos mapatunayan ng isang imbestigasyon na nagpakita ng mga pekeng publicity photos ang kanyang website, kung saan kasama ni Sangary ang mga sikat na artista…gaya nina George Clooney at Ellen DeGeneres.

Pero ang mga litrato ba ay tutoo o peke?

Si Sangary, na isang LA-based na abugado, ay nagpakita sa amin ng mga dokumento, na nagpapatunay na nag-donate siya ng malaking halaga sa mga political campaigns itong mga nakaraang taon.

Sa aming interview, ipinakita rin sa amin ni Sangary ang isang CD na naglalaman ng mga litrato.

Nagdala rin siya ng isang photoshop expert, na in-analyze ang mga litrato. Sa kanyang written report, sinabi ng expert na tutoo ang mga litrato.

Tiningnan din ng TomoNews staff ang mga litrato, at wala ring nakitang ebidensiya ng pag-photoshop. Pero napansin namin na iilan sa mga litratong nakalagay sa kanyang website ay wala sa CD.

Kabilang na rito ang litrato ni George Clooney…na hawig na hawig ang litratong kinunan niya kasama ang kanyang ex-girlfriend.

At ang litratong ito, kung saan kasama ni Sangary si President Obama, ay malayo ang itsura sa litratong nakalagay sa website.

Kayo na lang po ang humusga. Pinost namin ang lahat ng mga litrato na pinadala sa amin ni Sangary, at maari mong makita ang mga ito sa link sa description. Tingnan ang mga litrato at ipaalam sa amin ang inyong opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended