Isang lalake, lumabas mula sa isang subway grate, at na-smoke-bomb ang mga sosyal na restaurant sa New York City!
Nagulat ang mga customer na kumakain sa labas ng iilang mga sosyal na kainan sa New York, Biyernes ng gabi - dahil nasali sila sa isang episode ng Teenage Mutant Ninja Turtles, nang lumabas ang isang lalake mula sa isang subway grate, at nagbabato ng mga smoke bombs sa mga outdoor tables, bago siya bumalik sa kanyang pinaggalingan!
Nangyari ang lahat, alas sais ng gabi, sa harap ng mga A-list restaurants na Bar Pitti at Da Silvano. Biglang bumukas ang isang subway trap door, at isang lalaking nakasuot ng American flag na T-shirt ang bumato ng dalawang pulang smoke bombs sa mga outdoor seating areas.
Napaubo at nahirapang huminga ang mga customer, na napaligiran ng makapal na kulay pulang usok. Kabilang dito ang Charmed actress na si Rose McGowan…na naunang nag-tweet tungkol sa insidente.
Ang lalake ay mabilis na nagpakita, at mabilis ring umalis. Cowabunga!
Ini-release ng mga pulis ang footage ng prank…hinahanap pa rin nila ang lalake, na ayon sa mga saksi ay maaring isang tunnel dweller o mole person…o isang taong naninirahan sa ilalim ng kalsada.
For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment