Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 10 years ago
Isang ritwal ng pagkatay sa camel, na isinagawa sa isang kalsada sa Pakistan, nagkagulo-gulo!

Ipinagdiwang ng mga Muslim ang Eid-al-Adha holiday, kamakailan. Sa Pakistan ay nagsimula ito noong October 6 – kung kelan nakunan ang video na ito.

Ang Eid-al-Adha, na Festival or Feast of Sacrifice, ay ang ikalawang pinaka-importanteng festival sa Islamic calendar. Inaalala dito ang sandaling dinalaw ni Allah ang propetang si Ibrahim sa isang panaginip, at inutusan siyang isakripisyo ang anak niyang si Isma’il, na magpapakita ng kanyang pagiging masunirin sa diyos. Pero imbes na isakripisyo ang kanyang anak, ay pinayagan ni Allah na magsakripisyo na lang ng tupa si Ibrahim.

Dahil dito, ang mga lalaking ito ay naghahandang katayin ang camel sa gitna ng kalsada. Pero nagkagulo-gulo ang lahat.

Ang laman ng nakatay na camel ay ipinaghahati sa tatlo: one third ang binibigay sa kumatay ng camel, at sa kanyang pamilya; one third ang binibigay sa mga kamag-anak, at ang natitirang one-third ay binibigay sa mga nangangailangan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News

Recommended