Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Nakakatakot na mga payaso, ginugulo ang mga residente at pulis sa California!

Mukhang masyadong maraming oras ang mga tao sa Bakersfield, dahil ayon sa Bakersfield police, kailan lang ay nakatanggap sila ng mga reklamo mula sa mga taong natakot sa mga super creepy na payaso, na nagpapakita sa publiko, hawak ang mga armas na gaya ng machete at baseball bat.

Nagsimula ito matapos magpakita sa Internet ang litrato ng isang payaos sa Wasco. Ang Wasco clown ay parte pala ng isang art project ng isang mag-asawa.

Noong Sabado ng gabi, rumispondi ang Bakersfield police sa isang report ng isang payasong may hawak na baril, pero wala silang nakita sa eksena.

Isang 14-year-old na bata ang naaresto na para sa pagsuot ng clown costume, at paghabol sa isang grupong bata sa kalsada.

Itong nakaraang Biyernes, ay nakatanggap na ng labing-anim na repoted sightings ng mga payasong may dalang armas ang mga pulis.

Sinerseryoso ng mga awtoridad ang mga clown reports na ito, dahil kapag nagpatuloy ito, ay maari itong mauwi sa isang napaka-delikadong sitwasyon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Be the first to comment
Add your comment

Recommended