Tinder date, nauwi sa saksakan at nakawan sa Atlanta!

  • 9 years ago
Tinder date, nauwi sa saksakan at nakawan!

Iniimbestigahan ng pulis sa Atlanta ang pagsaksak sa isang lalake, na nanakawan din ng kotse, ng isang ‘date’ na kanyang nakilala gamit ang mobile dating app na Tinder.

Nakipagkita ang biktima sa suspect sa isang McDo sa Barrett Parkway.

Para sa biktima, ay mukhang okay naman ang kanilang date, kaya tumuloy sila sa apartment ng isa niyang kaibigan, dalawampung minuto ang layo mula sa McDo.

Nagsimula silang maghalikan sa apartment, nang biglang sinaksak ng suspect nang apat na beses ang biktima!

Pagkatapos, ay pinilit ng suspect ang biktima na pumasok sa banyo, kung saan siya nakulong, at ninakaw ng suspect ang pera at kotse ng kawawang biktima.

Nakalabas din mula sa banyo ang biktima, at naghanap siya ng tulong. Dinala siya sa ospital; kasalukuyang hinahanap ng mga pulis ang suspect.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended