Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Isang nurse, sa Italy, pinagsususpetyahan ng pagpatay sa tatlong dosenang ‘nakakainis’ na pasyente!

Maraming nakakainis na tao sa mundo…pero wala tayong magagawa diyan.

Para sa isang nurse sa Italy…kapag nakakainis ka, papatayin ka niya!

Si Daniela Poggiali ay iniimbestigahan para sa pagpatay sa mga pasyente, sa pamamagitan ng pag-inject sa mga ito ng mataas na dosis ng potassium.

Ayon sa Central European News Agency, pinatay ng nurse ang mga pasyente dahil nakakainis sila, o nakakainis ang kanilang mga pamilya.

Ang pinakamalaking problema ng mga imbestigador ay kung paano nila mapapatunayan na pumatay nga si Poggiali. Ang mataas na dosis ng potassium chloride ay nauuwi sa mga heart attack – ito ay isa sa mga drogang gimagamit sa US para sa mga executions. Natagpuan nila ang mataas na levels nito sa isang biktima, pero mabilis din na nawawala ang kemikal, kaya mahirap itong makita.

Hindi pa umaamin sa kahit na ano itong si Nurse Poggiali, pero ayon sa kanyang mga katrabaho, siya ay hindi malapitin, at minsan pa siyang nagbigay ng napakaraming laxatives sa mga pasyente, “just for fun.”

Sana ay makahanap ang mga awtoridad ng sapat na ebidensiya para makulong nang matagal-tagal ang nurse from hell na ito!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News
Comments

Recommended