Camel, pinatay ang caretaker, dahil hindi siya binigyan ng Coke!

  • 9 years ago
Camel, pinatay ang kanyang caretaker – dahil sa Coca-Cola!

Isang camel, sinipa, kinagat at sinuffocate ang isang Amerikanong caretaker, dahil lang sa Coca-Cola!

Nangyari ang trahedya sa isang wildlife sanctuaty sa Tulum, Mexico, nang isang nakalimutang soft drink ang naging dahilan ng pagkawala ng tamang pag-iisip ng camel na ito.

Si Guerro the camel ay pinatay ang sarili niyang caretaker, ang Chicago native na si Richard Mileski, na founder ng Tulum Monkey Sanctuary, na kanyang pinatayo, labinlimang taon nang nakalipas.

Nilapitan ni Richard si Guerro nang nakalabas ito mula sa kanyang gated area noong Lunes. Hindi naman ito problema, pero ayon sa isang civil offense official, sanay na si Guerro na uminom ng Coca-Cola araw-araw…at sa araw na iyon, ay hindi nakakuha ng softdrink ang camel. Kaya inatake nito ang 60-year-old na caretaker, na paulit-ulit niyang sinipa at kinagat.

Sinubukang labanan ni Richard ang camel, pero walang umubra.

Inupuan ng camel si Ricard, na hindi makahinga. Nangailangan sila ng lubid na nakatali sa isang pickup truck, para lang mahila paalis ang hayop.

Iniimbestigahan ng environmental authorities ang Sanctuary…at sa ngayon ay nasa kanilang pag-aalaga na ang camel, kasama ang labing-tatlong spider monkeys, dalawnag emus, dalawang llamas at isang wild boar.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended