Skip to playerSkip to main content
  • 11 years ago
Away sa isang subway sa Baltimore, muntikan nang mauwi sa patayan!

Ang away na ito sa Baltimore Metro ay nangyari noong isang linggo. Ang lalaking naka-blue ay mukhang nasa high school, samantalang ang lalaking naka collared shirt ay mukhang nasa kanyang 50s. Hindi malinaw kung bakit sila nag-aaway, o kung gaano sila katagal na nag-away, bago nasimulan ang video na ito.

May isa pang teenager – na maaring kaibigan o kapamilya ng naka-blue – ang nakisali sa gulo, para ma-double team ang nakatatandang lalake.

Habang walang nagtangkang awatin ang away, may tatlong taong makikitang vini-video ang away, gaya ng babaeng kumuha ng video na ito.

Sa isang punto, ay lumala ang sitwasyon – nang tinangkang buksan ng teenager ang pintuan ng umaandar na tren, at humingi ng tulong para matulak palabas ang matanda. Dito lang natin maririnig ang ilang mga pasahero na biglang nag-alala na baka may mamatay bilang resulta ng away na ito.

Hindi makapaniwala ang mga pulis, at mga tao sa komunidad. Ang nakita natin ay isang attempted murder sa isang umaandar na public train, at mas gusto pa ng mga tao na kumuha ng video kaysa sa tumulong, o pindutin ang emergency alert.

Wala kahit na isang tao ang nagbigay ng kahit na anong klaseng impormasyon sa kasong ito. Ang kaisa-isang dahilan kung bakit alam ng Maryland Mass Transportation Administration police ang tungkol sa insidente, at dahil naging viral ang video na ito, matapos itong maipost ni Diana Benbow – na sinara na rin ang kanyang Facebook page…pero bukas pa rin ang kanyang YouTube account.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Category

🗞
News
Be the first to comment
Add your comment

Recommended